Thursday, November 18, 2010

Kumpil

Finally received the Sacrament of Confirmation yesterday at San Miguel Church in Malacanang. Kasama ko si Mom para siya na lang ang witness/ninang ko. Nakakatawa lang yung experience namin ni Inay... Ü 
We arrived around 2:10pm kasi medyo nagtanung-tanung pa kami bago natunton yung simbahan. Pagkadating namin dun, sinalubong kami ni manong guard. 

guard: Magpapakumpil po ba?
me: Opo, abot pa ho ba ako?
guard: Sige ma'am, pakifill up-an na lang po 'tong form tapos bayad kayo sa cashier.

So proceed ako sa isang table while filling out the form. Name, birth details, pangalan ng ninong/ninang etc. While filling out the form, may naririnig akong nagbabang sa table near the counter. Dineadma ko lang. Eh hindi tumitigil. Yun pala, yung matandang babaeng nasa counter tinatawag ako. Tama bang magbaba-bang sya sa table??? Pwede naman akong tawagin! So lapit ako kay Lola. 

lola: Magpapakumpil kaaaaaaa? 
me: Opo
lola: Anung oras na? Kanina pa nagsimula ang seminar! Late ka!
(ang lakas ng boses ni lola. automatic nagkatinginan kami ni inay na parang gustong magtaasan ng aming mga kilay. but since nasa simbahan kami at alagad ng simbahan si lola, nagtimpi kami ni inay...)
lola: Eh bilis bilisan mong magsulat! Akin na ang baptismal certificate mo at pahinging 630 pesos.

Syempre sa ganung tono at lakas ng boses na nakakabwisit, hindi na ko umimik. Ibinigay ko na yung form at payment. After the transaction with Lolang masungit, dali dali kaming pumasok ni Inay sa simbahan. Tamang tama lang naman pala yung dating namin kasi pasimula pa lang yung sakristan sa briefing/seminar. Yung mga kukumpilan nasa left side lahat, mga ninong/ninang nasa right side. From what I observed, lahat yata kami of the same age at nagpapakumpil dahil magpapakasal na. TSK TSK. Ü
So binigyan kami ng lessons nung sakristan about the 7 sacraments, 7 gifts etc etc. In the middle of the seminar, may umalingawngaw sa simbahan. Si Lolang masungit pumasok sa simbahan. 

lola: Nasaan si Ruth Ann?

Ampucha. Hinahanap ako? Kinabahan ako. Nagtaas ako ng kamay at tinawag nya ko.
Dinala ko si Lola sa isang corner para hindi marinig nung ibang tao.

lola: Hindi ka pwedeng kumpilan ngayon.
me: Huh? bakit po?
lola: Eh hindi ko napansin na nanay mo pala yung nilagay mong ninang dito! Hindi pupwedeng maging ninang o ninong ang isang magulang!

By that time, Inay's beside me na. Nakita nya may commotion eh. Hehehe.

me: Eh panu po yun? Pwede ho bang palitan na lang? Baka may pwede po akong gawing ninang sa kanila (referring to the on-lookers)

Tinawag ni Lola ang Sakristan na nagbibigay ng seminar.
lola: JOJO! Halika nga dito! Pano ito, gawan mo nga ng paraan yan! Pauuwiin ko na 'to eh. Ang nilagay na ninang pangalan ng nanay nya.

si Jojo ay natatawa lang and giving me the look na "pagpasensyahan mo na si Lola"

jojo: Ehdi hanap na lang tayo ng volunteer na magninang para matapos na. Sayang naman kung pauuwiin pa.
me: Oo nga po. Galing pa po kaming Laguna. 
lola: O eh humanap ka na ng volunteer nang mapalitan na 'tong nasa form.

Buti na lang yung mga nakikiusyoso sa amin, mababait. May isa dung babae na nagvolunteer.  "Ako na lang po". Thank God!!!! Ü

Nag-thank you ako sa kanya and I found out her name is Arlene Tamina. She was there to accompany her daughter, who's fiance is also receiving the sacrament of Confirmation. So nagka-instant ninang ako! 

After that, tinapos na din ng sakristan yung seminar and nagstart na ang sakramento ng kumpil. Ang dami din aberyang naganap sa ibang nagpakumpil. Mukhang normal yata yun! I found out right after na yung iba palang nagpakumpil dun, yung mga manong or photographer ang kinuhang ninong o ninang. So hindi pala ko nag-iisa. 

Atleast natapos na at ganap na kong CONFIRMED. Ü



1 Sun Showers:

Nino Cinco said...

ayus to hahaha... congrats sa kumpil, kukuha din kasi ako kaya nakita ko tong blog post mo... salamat!

Template by:

Free Blog Templates